[b]
PANGAKO
Mula ng iniwanan mo
Wala ng kulay ang mundo ko
Parang wala na ring saysay
at nawalan na ng ganang mabuhay
Nag iisa na lamang ako
at nabubuhay na lamang sa mga alaala mo
Mga alaalang kaysarap sariwain
noong ika'y nananatiling akin
Ngunit ako'y iyong iniwan
iniwan mong luhaan
halos madurog
ang puso ko , irog
Hindi inaasahan na hahantong sa ganito
ang relasyon na inakala kong totoo
Kasing totoo ng mga magagandang panaginip
Na mananatili na lamang sa isip
Naaalala pa ang mga pangako mo
na palaging naririnig mula sa iyo
mga pangakong kaysarap pakinggan
mula sa labi ng lalaking pinahahalagahan
Nangakong ako lamang ang pakamamahalin
at ikaw naman ay akin
Ngunit ikaw ay nasaan
Nagawa mo akong saktan
Nais sana kitang hanapin
Upang ika'y ibalik sa akin
Ngunit hindi alam kung ikaw ay nasaan
ako'y iniwan mo na ng lubusan
Nais kong malaman mo
na ikaw lamang ang iibigin ko
at kahit ikaw ay lumisan
mga pangako mo ay aking aasahan