NAGTXT ANG KABET KO AT ANG NAKABASA AY ANG KABET KO
Nagtxt sa akin ang kabet ko
Nagsasabing "ako ba'y mahal mo?
Ang sinagot ko naman ay oo
at iyon naman ang totoo
Makalipas ang mga araw
Nag iisip siya pa kung pano ako maaagaw
sa asawa kong gurang
na kung tingnan mo ay tila kinakalawang
Nagtxt na naman siya sa akin
at sabi ay ang aking asawa'y aming lalasunin
ang sabi ko naman siya ay maghintay
at ako ay magninilay-nilay
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon
naiwan ko ang aking cellphone
nagtxt ang aking kalaguyo
at nabasa ng aking esposo
Pag uwi sa aming bahay
Galit ng aking asawa'y sa akin ay naghihintay
Siya'y naghihintay sa aming kwarto
at talagang mainit ang kanyang ulo
Nagtatanong siya sa akin
Pilit akong pinaaamin
Mga kasagutan ko ay pinagkait
at mga labi ko ay lalong pinagdikit
Nanatili akong tahimik
nawalan na ng imik
Sa isip ay sinisisi ang aking kabit
Na siyang dahilan ng aking pagkakaipit
Ngunit nalaman niya rin ang totoo
Na ako ay may kalaguyo
Ako ngayon ay pinalayas
Ng asawa kong may balbas
Wala na akong nagawa
di na pinakinggan ang aking pagmamakaawa
Ako ay umalis na rin
Sa bahay ng asawang nais kong lasunin
Tapos na aking kwento
sana ay nagustuhan niyo
kaya sa mga may asawang may pagkakamali
huwag na huwag kayong magpapahuli